This story is for my friend. It was nice chatting with you missie... it's been a while. So here I finished the story we started. Hope you like the ending...
si maria...

si maria na walang malay
walang kamuang-muang sa mundo

sa kanyang pagnanais na makamit ang pinakakamimithing kaligayan sa piling ng isang minamahal
sa kalagitnaan ng kanyang pag-aagam-agam
d nya namalayan
na may isang lubak sa daan
na naging sanhi ng kanyang pagkatapilok

lagpak...
una ang mukha
sa isang pares ng mamahaling rubber shoes

unti-unting inakyat ang paningin
sa pantalon na maong na mukhang mamahalin, ngunit halatang may ilang linggo na itong hindi nalalabhan

hmmm....
kinda narrow hips ha

dahan-dahang itinaas ang mga mata sa tight-fit na shirt na usong-uso ngayon
ang kanyang dibdib... hahaha... ewan
matikas ang kanyang tindig

at bakas na bakas sa nakabalot na shirt sa kanyang katawan
ang pandesal sa kanyang abs, na nagpapatunay na maraming oras ang ginugugol sa gym

unti-unting syang bumangon sa pagkakadapa
dahan-dahang inabot ang alok na kamay ng matipunong mama
sabay mabilis na nagnakaw ng tingin sa mukha
isang saglit lang
at natuwa sya sa kanyang nasilayan
ngunit sya ay napangunahan ng hiya
hindi makuhang tumingin ng tuwid sa nakabangga

pinag-isipan nyang mabuti
kung nararapat ba syang humingi ng paumanhin

"gwapo sya
at mukhang magalang
pano kung sya na nga?
palalagpasin ko pa ba?"

sya ay naglakas ng loob
tumitig ng direcho sa mga mata ng mala-adonis na lalaki

"ako nga pala si maria
pasensya ka na sa pagkakabangga
hindi ko sinasadya"

tinitigan si maria ng isang pares ng malalim na mata
matagal bago nagpakita ng reaksyon
nang sya ay unti-unting napangiti
at sabay na nagsabi

"ako nga pala si george
short for georgina
sister!!!
hindi tayo talo!!!"
wala lang... =P